January 3rd, 2006

happy na! new year pa!

hohoho! happy new year. hay, wala akong masabi kundi happy new year.

buti na lang januray 1, 2006 na kaya makakasama ko na ang aking tutubi, wooo! sobrang namiss ko kasi sya e.

nagkita kame sa greenhills, woo sarado amp! palakad lakad habang nagroromansahan, eh agresiba si kulet eh! hihihi!

taxi ang bagask namin kaya punta kame ng gateway upang lumamon dahil pareho na kame gutomjones e. nagpapa kame sa inihaw express, wooo da best ang kanilang itlog na pula! hihihi!

binuy nya ako ng flip-top sa 7-11 hihihi, punta kameng ukay munit kame ay sawi dahil ala na yung sapatos, punta kameng farmers upang palitan na ang kinakalawang na selepano ng aking tutubi, ang gogorilya ng mga tindero dun, nakakasawi amp!

mrt kame! wooo! punta kameng starmall! wooo! on air! awooo! parang tahol ng bagong aso nina kulet. e siberian husky e. back to topic, naglibot libot kame at sa wakas nakita namin ang isang ateng malungkot dahil walang benta, kaya ayun dun namin napaswap ang selepano ni kulet kaya sa wakas nagwagi din kame! woo! nice one akagi!

(sa tricycle = "bandido romance with matching overlapping lips"

kaya ayun diretso kame pioneer highlands (globe). at nakita ko ang bagong ayos ng kanilang palasyo ko, at nakita ko din at bago nilang aso, at nakita ko din ang bagong bisita na hapon at kasama nitong bold star (e aya medel e) hejhejhej!

di pa ako nakakatagal ay nagyaya agad si ira boy sa rp upang bumili ng wallet, sa kasamang palad ay kulang ang kanyang pera, kaya dinagdagan ko, wagas ang aking pera pero kaya pang umuwe. hejehje!

buti na lang mabilis ang reflexesyndrome ko, dahil nailagan ko ang hampas ng unan ni muhmee, ang cute! hihihi! ayun! nag eat kame ng hipon at native na manok! manok amp! buhok ko mukang manok - muhmee 2006. hejhej. sweet nga ni kulet eh, piangbabalat ako ng manok, pakasalan kita dyan e!! hihiihi!

at di ko na namalayan ang oras, kaya gabi na ako nakauwe.

putek namiss ko si kulet, kakabitin ang aming ultimate george and monica date! weeeee!

pero sakto lang. <3 kulet ko! pakasal na tayo! bago ka pumuntang japan, bka pagpalit muko kay do-ra-e-maon! hihihi.

Posted by checkeredork at 11:51 AM | 5 souprice

happy birthday jesus

ang pasko ay sumapit na naman.

ako ay nagpasko sa lugar ng aming angkan sa pampanga, di nga kumpleto dahil wala ang aking tutubi amp. pakanta kanta na lang at namimigay ng mga gifts. hejhejhej.

sinelebrate ko ang pasko ng puro inuman, simuala palang ng pagdating namindun ng gabi ay nagiinuman na kame kasma ko ang mahal kong itay. naka tatlong case kame ng beer amp, pumanghi tuloy ang mga pader dun. habang kame ay umiinom naghahanda na ang mga pinsan ko at mga kapatid ko para sa aming noche buenaS! nang mag aalasdose na ay, putek nalaseng ang tito ko kaya nag papaputok ng sintron ni hudas, habang sumisigaw ng "happy bday jesus". woo nice xmas party, at nag group hug kame mag papamilya at magkakadugo at pinagsaluhan ang pagkaen sa likod bahay.

at siyempre tinawagan ako ng aking pinakakamahal. hihihi.

mga alas 4 na kame nakatulog ng aking pinsan kong bugok, dahil nagkwekwentuhan pa kame sa kanilang punsyoneil na kubo.

natulog kame sa sala, nang sa kasarapan ng aking tulog ay binulabog kame ng mga batang namamasko at mga kamag anak na dumadalaw. tsk! alas shit-te palang ng umaga ay nagising na ako, dahil hinahanap na pala ako ng aking inaanak, sa kasawiang palad ay nabigyan ko naman. at ayun. pagkatapos mag si alisan ng mga bata ay natulog ulet ako ng masaya dahil nabiyayaan ako ng aking mga magulang

ang pasko pala ay para  sa mga bata lang tlga.

 

 

Posted by checkeredork at 11:32 AM | 4 souprice

December 11th, 2005

When Nature Kills You

Wooo sa wakas at mauupdate ko na ang tabulas ko amp. Matagal tagal din akong hindi naka pag online dahil taena busy sa school works amp. At syempre nag field visit kames a Pico de Loro sa Ternate, Cavite. Wayos sa eksperyens yung trip naming, para kameng survivor sa hirap sobrang isolated nung camp site naming. Maaga kame umalis sa meeting place naming na dala ko ang kakapirangot ng baon para mamundok. Putek pag dating naming dun ay pagiling giling kames a lakad dahil nung gabi bago ang alis naming ay naginuman pa kame sa boarding house ng classmate ko, buti na lng ay ginising kame ng isa sa mga boardmate ni butch. At nung nasa meeting place na kame ay nagulat ako sa mga kasama naming watapaka ang dami nilang dalang supplies amputa! Nangluma kame mag kakaibigan pero soya lang buraot naming kame to the max eh. Nagkape muna kame pangpatanggal tama bago umalis, at syempre katxt ko ang aking tutubi hanging mawalan ng signal, ilang oras din kameng nag byahe halos masuka suka na si butch habang nagsusugal kame sa loob ng van. At pang lima kame sa labing dalawang van na nakarating, ilang minuto kame nag pahinga at naghintay kung meron pang tent na matitira, sa kasamaang palad ay walang natira buti na lang at may dala ang isa nming classmate na doze-dozenang sako amp. At nang nakarating na ang lahat ay sinumulan na naming ang trekking sa bundok at kasama ang dalawang mountaineer, habang naglalakad kame ay pakanta kanta at pasayaw sayaw pa kame dahil ginagago naming ang kasama naming mountaineer, habang tumatagal ang aking paglalakad papunta sa bundok ay nararamdaman na naming ang pagod at sobrang tagaktak ng aming pawis, sa isat kalahating oras n gaming paglalakad ay nag stop over kames a isang liblib na bahay ni mang. Rey, astig si mang rey ika nga ng mga kasabay namin dun, wayos ang water supply dun dahil running water eh, ang lamig nung tubig.. pinuno na naming ang aming mga baonan na tubig para sa paglalakad ulet papunta sa campsite. Pero bago pumunta sa campsite ay lumamon muna kame at gamit ang balisong ay binuksan naming ang mga baon na delata ng mga kasama ko at sama sama kame kumaen, sabay pausok habang nagpapahinga. Hindi lumaon ay umakyat na kames a aming campsite, at pagdating naming sa aming campsite ay nagayos kame nang gamit at pinorma na naming an gaming lugar, kame ang unang unang nakarating sa campsite kaya nakapili kame ng napakalaking espasyo upang dun na mamalagi. Pagkatapos naming magayos ng gamit at lugar naming ay bumaba kame upang tignan ang falls, putek! Ang pangit nung falls pero wayos lang hejehej! At pagkatapos nang ilang oras na pagpapahinga ay pumito na ang mga mountaineers upang akyatin na naming ang tuktok ng bundok! Watafaka! Handing handa na kame lahat, dala ang tone toneladang tubig at cp para mag pitsuran. Potaena napaka tarik, maputik ang lugar yung tipong nakadapa na kame maglakad at umakyat sa sobrang hirap, sa sobrang hirap ay ang daming hinimatay at hinika. Yung isa nga naming kasama ay namutla kaya pinababa na lang siya ulet. At ayun sa 3 oras na paglalakbay ay narrating na naming ang tuktok ng bundok! Poooooooooota! Ang ganda, ang sarap ng pakiramdam ng nasa tuktok ng bundok, eh perstaym naming lahat yun kaya sobrang memorable kaya pagkatapos naming magpausok ay nag pitsuran at nagtawanan na kame sa tuktok ng bundok pero hindi kame nagtagal dun dahil masyadong maliit ang espasyo nung tuktok ng bundok kaya nag rapel kame pababa, grabe ang pagbaba naming mas mahirap pa sa pag akyat kaya inabutan na kame ng dilim sa aming trekking at sobrang uhaw na kame lahat. Sa awa ng diyos ay nakarating din kame sa  aming campsite pagkatapos ng halos 4 na oras na paglalakad! Wee, kakapagod kaya tinunga na naming ang mga baon naming likido at sabay pahinga! Makalipas ang ilang minuto ay naghanap kame ng kahoy pang gatong para makapag saing kame, eh bawal pumutol ng kahoy sa puno, eh wala kameng mahanap kaya ayun pumutol na kame ng kahoy at nakapag saing. Ninjang ninja kame eh! Potak! Parang dinaan ng kidlat yung hapag kainan naming! Wooooo! Sarap nung kaen namin nay un, syempre ang dami naming naburaot na pagkain. At mawawala ba ang inuman, nang nakapagpahinga na ang lahat ay sinimulan na naming an gaming inuman, kame ang pinaka maingay nung mga oras nay un dahil sa mga tawanan at kantahan naming ng happy birthday amp! Eh nabitin kame sa aming inuman, naubos na naming ang isang long neck at lapad kaya pumunta ka sa ibang lugar, napunta kames a grupo ng mga mountaineers kaya napa inom kame ng gin amputa! Ang inet sa katawan pag alang chaser! Hejehej! Kaya alas 4 na kame nakatulog except kay yogi dahil nung pagkagising ko nung 7 ay siya naman ang natulog. Hahhaha! Saya! Pag kagising ng lahat ay back to normal na ang lahat kaya nag hanap na naman kame ng kahoy, pero iba ang nahanap namin, pagkain sa iba kaya nakikain na lang kame at humingi ng mainet na tubig para magkape at mag lapaz batchoy amp! Sa sobrang busog naming tatlo ay, tinawag kame ng kalikasan.. nagpunta kameng tatlo sa malayo at madamong lugar daladala ang kakapirasong tissue, ang baho ng tae ko!!! Amoy kalawang amp! Hejehj! Pagkatapos magbawas ay diretso na kames a falls para maligo! Taena! Sobrang lamig ng tubig! Grabe! Kaya ayun naligo na kame dun, nagsabon, nagshampo. Nagtoothbrush, kaya solved solved na kame lahat! Kaya pag balik naming sa campsite ay nag ayos na kame n gaming mga gamit at nilabas ang lahat ng pagkain para pagsaluhan ito para sa huling pagkakataon. At sawakas nakapag luto kame ulet, kaso kulang yung kanin kaya namburaot na naming kame! At nung dumating na ang tamang oras ay, bumalik na kame sa aming parking lot upang umalis at bumalik na sa maynila! Inubo, sinipon ako at sobrang sakit nang mga muscle ng paa ko pag dating ko sa bahay kaya nung 5pm pa lang ay nakatulog na ako at gumisng ng 9am. Grabe napagod ako eh! Hejehje! Masaya ako dahil nakaranas ako ng ganun sa buhay ko, iba pala talaga ang pakiramdam pag nasa tuktok ng bundok, sana nga andun ang tutubi ko para mahalikan ko sa noo eh. Sana next time makasama ko siya sa bundok.

 

 

Tama na muna ang kwentong bundok, dumako naman tayo sa  kwentong pang bayan. Pag kadating ko galling sa bundok ay nagsama agad kame ng aking tutubi at tumambay sa megamall sa labas ng mcdo at nag kwentuhan at nagpagabi habang umiinom ng mcfloat at kumaen ng French fries, soya! Hejhej! Eh big time ang aking tutubi, nibili nya ako ng relos na pink panther at salamin sa i2i na ala vintage na pambubuyog eh!

 

Swerte talaga ako sa tutubi ako, dahil lage niya sakin pinaparamdam na parang nasa tuktok ang ng bundok pag magkasama kame.

 

Ilang araw na lang pala ay mag beerday na ang aking tutubi kaya, kelangan dumiskarte ng datong! Diyahe! Hejehej! Nakakatwa kasi yung salitang diyahe eh! Parang nang da-dub lng kame ng mga tao sa mrt eh! Hay! Sarap mabuhay daming karanasan at okasyon!

 

Salamat at meron akong tutubi, kasi pag diko siya kasama pakiramdam ko ay twenty bellow eh.

Posted by checkeredork at 01:06 PM | 6 souprice

November 25th, 2005

THE MEANING IN MAKEUP

Hindi ako makapag isip ng maayos. Nasa harap nga ako ng computer at nagta-type, pero hindi ko alam kong san nga ba ito tutungo. Ano ba sa tagalong ng checkered? At ano nga ba din sa tagalong ng dork? Tanga amp! Naubos ko na ang isang yosi at wala pa din akong maisip, napapakanta na lang tuloy ako. Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng “pag kamiss”? ako ata hindi ko alam eh, ikaw alam mo ba? Kasi ako ay madaling makamiss at grabe naman makamiss. Mali ba ang maka miss ng tao kahit ito pa ay mabilis? Mabilis in the sense na kunyare isang araw mo palang hindi nakikita ang mahal mo ay miss mo na, pano kung talong araw pa at ito ay nasa malayong lugar? Pano kung taon na ang abutin ng hindi niyo pagkikita at nasa ibang bansa na ito? Nakakatakot dba, dahil araw palang ang pinaguusapan ditto, hindi pa buwan, at taon.. Ako rin ang isang tao na hindi basta basta nagtitiwala at nagpaparaya. Pero simula ng nagmahal ako ay natutunan ko to, pero pano kong unti unti na tong nabubura sa aking paniniwala? Dahil ba nagsasawa na ako? Hindi siguro, dahil simula ng nagmahal ako ay hindi na ako basta basta nagsasawa, kundi mas lalo ko pa tong pinapahalagahan. Ilang beses ba dapat magtiis at masaktan para palayain ang minamahal mo? At pagpapalaya ba ang sagot o hakbang na dapat gawin? Pano kung nagbigay ka na ng isang chansa dati at unti unti na naman itong nawawala? Kailangan pa ba ulet ng isa pang pagkakataon? Hanging ilang pagkakataon ba ang dapat kong ibigay? Dapat bang hangat mahal mo ay magbigay ka lang ng pagkakataon? Ako hinde siguro, dahil gusto ko kung makikipag hiwalay man ako ay may matitira pang respeto at pagmamahal. Ang ayoko lang ay masayang lahat lahat ng binigay kong kulay at pagasa sa aking minamahal. Swerte pa din ako dahil may tiwala pa din ako sa aking minamahal, tiwala na kaya niya pang magbago, kaya niya pang baguhin ang mga bagay bagay na nakakasira sa isang relasyon. Teka, muka bang siya lang ang may kasalanan, sigurado ako din, pero tinatanong ko nga ang sarili ko kung ano ba ang pwde kong maging kasalan. Dahil sa pagkakaalam ko ay, lahat lahat ay ginagawa ko para mapasaya ang minamahal ko at ang minamahal ng minamahal ko. Balewala ang pagod sakin, dahil sa mga haplos na kanyang labi at tinig ng kanyang tawa. Pero isang pagod lang ang hindi ko na kakayanin pa, kapag tuluyan ng malason ang tiwalang natitira para sa aking minamahal. Naalala ko bigla ang text niya sa akin dati, mga isang buwan na ang nakakaraan “tiwala lang neil at malalagpasan natin ang lahat”. Napatunayan ko ngayon na tiwala nga lang, isang tiwala na lang ba? O mga tiwala pa? wala na akong pake, hangat kaya pa ng puso at utak ko, cge tiwala lang. natatakot ako para sa akin, at malamang natatakot ka na din para sa sarili mo. Ang dami ngang kanta ang nakakarelate ako bigla dahil sa mga linyang pamatay eh. Bigyan ko kayo ng dalawang examples ah. Kuha mula sa kanta ng glassjaw  na when one eight becomes two zeroes,  taena pamagat pa lang alam na alam mo na kung ano ang tema eh, eto na ang isang linya dun “Knee deep in static I hear you breaking up! I'm breaking up! I guess we're breaking up!”.  Isang pang lss ko ngayon ang kanta naman ng underoath na A Boy Brushed Red.... Living In Black And White na may linyang “Something has gone terribly wrong! I'm scared, you're scared, we're scared of this”. Yun lang! Ang hirap, sobrang hirap na pala. Dami ko tuloy tanong sa sarili ko. Haay ngayon tatanungin kita, masama ba ako? Mali ba ang aking mga desisyon at paniniwala ko? Kung sagot mo ay oo, aba tara na at magpakalunod na tayo bago pa dumating ang isang delubyo na magdadala ng isang masamang balita at tatapos sa napakagandang bagay nating sinimulan at pinagsamahan…

Posted by checkeredork at 11:19 PM | 6 souprice

November 21st, 2005

Over Pouring Dehydrated Lips and Home Made Surprises

Weee! Ang saya saya ko! Tanong mo kung bakit? Eh  kasi naman nung linggo ay nakasama ko ang aking pinakamamahal na salbaheng tuttubi ko. Weee! Hindi lng yun, pinagsaluhan naming an gaming ika-labing walong buwan na aming pagiging magnobyo’t nobya. Salbahe! Saya potax.

Ditto na magsisimula ang kwentong masaya, gumising ako nung linggo ng alis dyies at naligo at nagtampisaw sa tubig ng napakatagal, halos matapos ko ang isang album ng underoath sa banyo amp. Bango ko nga eh, at nag kundisyoner pa ko, taena ang lambot pala sa  buhok amp! Hihihi! At ayun, ng natapos na akong malunod sa banyo a diretso ako sa aking kwarto upang magbihis at mag pa bango, wee! At siyempre nag pagwapo dahil espesyal ang araw nay un. Sinuot ko ang bago kong damit na si gelvis na paborito ng ina ng aking tutubi (paborito kasi ni muhmee si elvis kaya papagwapo na din sa kanya, eh kaso wala amp, salbahe eh! Hejehej). At ng malapit nakung umalis ay, naisipan kong mag high socks para wala lang, ayun para komportable pala. At swakto ay papasok na ang aking ama sa casino at ako ay nakisabay na at kinastigo ako sa aking itsura “ihijo, ano ba naman yang gupit mo! Gupit babae! (mahal tlga ako ng aking ama) saya tlga! At ayun na, nakalibre akong isang sakay! Wee! Tas dumaan muna ako sa recto upang balikan ang nakita kong apple green na wallet na dora the explorer! Woo. Tas nagpausok muna ako bago sumakay sa aking paboritong bus ang gliner amp! Tas humarurot na papuntang galleria. Woo, at ng akoy papasok na sa gale, tumingin muna ako sa salamin upang Makita ang pagka Adonis amp! At ayan na! yan na! nakita ko na ang napakagandang tutubi ko! Aba! Supladita at salbahe dahil hindi ako pinapansin, at ayaw pahawak ang kanyang kamay. Ako tuloy ay medyo kinabahjan, and dari dari siyang may inabot sa akin… isang sulat na nakalagay sa kayumangi na kakaibang envelop, ng itoy aking binuksan tumambulat sa aking muka ang nakalagay sa harapan ng card “ayoko na sayo” ang aking mata ay tuluyan ng lumalim. . . . . . . . .ooooooooooops! bigla niya akong niyakap sabay bukas ng card at nakalagay na “joke joke joke” (sobrang cute niya pag sinasabi niya yun, at lalo siyang nagging cute dahil sa souprice na yun) naglakad kaming nakayakap siya at nagsasalita ng mga salitang nakakpag angat ng tornilyo sa aking kokote. Hindi ko na nga nabasa ang sulat dahil sa kasayahan ko eh. Ang sweet ng tutubi ko kahit salbahe eh! Hejhej! At ng nabasa ko na ay, naghanap na kame ng kakainan. Napadpad kames a makulay at may “CHECKERED” ng yellow cab! Weee! Big time ang mga mambobote! Order kame ng cheese pizza na 10 inches at pasta na shin chan bay un at dalwang lemon sola! Weeeeeeee! Lamig pa ng kili kili ko! Hehehehhe! At ayun ang sarap lumamon. Kinamay ko n nga ang pizza at naka lima ako at ang tutubi ko ay nakatatlo! Lakas niya kumaen. Dapat pito sakin eh! Hejehej! At ung pasta ay hindi na naming naubos dahil nga busog na kami, kaya binaon n lng nmin yun. At nang paakyat na kame upang manood ng sine.. tumambal sa aming muka ang mga taong nakapila sa sinehan upang manood n gharry potter4, pumila kami at nawala ang 100 ng aking tutubi, minadyik agad ni HP “spectrum jelly” amp! Hejehej. At ayun ng pumasok na kame, maganda naman an harry potter, para sa akin yun ang pinaka maayos ng HP. At ng lumabas na kame ay nag ice monster kame, at dun ay nag bigay na naman siya ng isa pang souprice, sulat na nman na masweet, eh labs na labs eh! Wooo! Grabe tlga! At nagpityuran kame para naman may remembrance gamit ang kinakalawang ko ng cp amp! Wooo. Busog tlga ako, habang naglalakad kame pababa ay, may inabot na naman siyang isa pang soupresa! WOW! As in WOW! Pityur nya! Taena! Ung paborito grad pict nya! Gagandaganda ng tutubi ku dun! Woooooo! Saya dba? Oo saya tlga yan! At ng lumabas na kame ng gale ay dumaan muna kame kay papa jesus upang magdasal at magpasalamat. Bow! At napagusapan naming ang isang bagay na sobrang hirap pero dapat kayanin para sa aming kinabukasan. Haay! Buntong hinga! Tas ayun nakasakay na kame ng bus! Puta! Jamming kames a tawanan at halakhakan, grabe dinemo ko ang sayaw na lambada. Wooo! Sakit sa panga amp! Sama mo pa ang kukukukranch! Salbahe amp! At ayun na malapit na kame sa kanilang bahay sa 41st floor 4101! Woo! Bago kame umakyat dun ay niyaya nya muna ako sa P.D upang ibgay na naman ang pinaka highlight ng kanyang ultimate souprices ang sulat na nag paluha sakin na sbi nya hindi naman. Seryoso, nakakaluha ang sulat kahit anong panahon pa yan, dba aking tutubi? At kaya pala nya hinihinga ang aking damit, dahil niregaluhan niya ako ng damit na gusting guisto ko! Wooooooooo! Jesus in Hebrew! Yare ka sa Wednesday! Salbahe eh! Haay! At sa wakes umakyat na kames a kanila at hinubad ko muna ang aking sapatos. At ayun kinausap ako ng kanyang ate na itatago ko sa pangalan ng evel, “ganda ng buhok natin ah, ganyan buhok ko dati eh (alala ko bigla ang sbi ng aking ama). At natuwa ako dahil napansin nila lahat eh! At siyempre ang mga tadlers ay hinatak na ako sa kanila kwarto upang maglaro ng ps2 (tekken 5 amp, magaling DAW ang aking tutubi) eh siyempre bida tayo eh, nagpabugbog muna ako, ng ginamit ko na ang aking spesyal character na si king ay. Halos mapikon na sa akin ang aking tutubi, eh na perfect ko amp! Hejehj, magaling nga ang aking tutubi, pero mas magaling lang ako! Salbahe eh. At hindi ko na napansin ang oras, gabi na pala kaya ako ay nag pasya ng umuwe, at bago ako umwe ay… taena, may bibigay na naman skin, 2 tsoklate at puta! HOME MADE LECHE PLAN! Ang sweeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeet puta! Nakaka kikoy amp! Interest ko na nga yun eh! Takakilig tlga ang linggo at monthsarry na yun! Sobrang memorable para sa akin yun. Sobrang saya ko! At umaapaw ako sa pagmamahal para sa aking tutubi.

Aba, ang haba na pala ng aking natataype amp. Oh cge hanging ditto muna ulet a. bago ako magpaalam ay, “ang buhay ay parang leche plan, minsan mas masarap ang home made”.

Posted by checkeredork at 10:45 PM | 1 souprice

« Newer | »
site powered by tabulas | Back to Top - Home - Gallery - Friends - Friends Of - Favorites - Content - Archives - Links